Ano pa nga ba ang pinaka mahalagang araw ng buhay natin, syempre birthday. Hindi lang personally, kahit sa lipunan,lahat na lang ng fill-up-an nating form na kailangan ng information natin hindi nawawala ang date of birth. Kaya naman pag dumarating ang araw na to nakakagawa ang tao ng mga masasayang bagay o makakapag pasaya sa isang may kaarawan. Iba-ibang kultura, iba-ibang paraan, mayaman man o mahirap meron pa rin pagsasaluhan. Kung ang iba pinagiipunan, ang iba naman pinangungutang. Kahit anong tamad ng taong mangilin o sumamba sa Diyos every week, di pa rin sasablay kapag birthday. Literally may mga taong, dalawang beses lang magsimba sa isang taon, isa pag kaarawan nya at pangalawa kapag pasko, kaarawan pa din. Continue reading
Puzzle?
Saturday na naman at ito ang isang araw sa buong linggo na araw ng general cleaning ko. Well minsan pumapalya pag sobra talagang busy kaya linis-linisan na lang minsan masabi lang na nasunod ko ang schedule ko.
Nagsisimula na akong maglinis ng sinimulan ko munang linisin ang study table ng anak ko at don pa lang medyo tumagal na ko kasi kailangan kong buuin ang mga puzzle na nakalagay sa drawer para maayos naman pag nilaro nila ulit. Natawa tuloy ako pano nila bubuuin ang isa ng buong puzzle eh di guguluhin din nila yon tapos nag-effort pa kong buuin. Anyway habang binubuo ko ang puzzle nila at nilalagay ang bawat piraso na-recall ko kung gano ka-excited ang dalawa kong anak na tanggalin sa puzzle board at buuin ang puzzle on their own. Well dati na silang bumubuo ng puzzle pero yong maliliit lang, iba ngayon favorite characters nilang si spongebob at blue ang kanilang gagawin at mas malaki to kesa dati. Sa simula hirap na hirap sila lagi na lang nagtatanong kung, “san ba to Mama?” Maraming beses ka nilang kukulitin at iistorbohin Continue reading

